MANILA, Philippines - Tinambakan sila ng 10 puntos sa huling 1:59 sa fourth quarter at nanalo sila ng 10 puntos sa overtime period.
Bumangon ang Barako Bull mula sa isang 10-point deficit sa final canto para gibain ang Globalport, 98-88, at angkinin ang liderato sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Mark Macapagal ang isang three-point shot sa natitirang 0.9 segundo sa regulation para dalhin ang Energy Cola sa overtime laban sa Batang Pier sa 86-86 iskor.
“The instruction was to play tough defense,†ani head coach Bong Ramos. “We we’re really waiting for Macapagal’s shot the whole game, and it came in the right time.â€
Pumukol ng dalawang 3-pointers sina Josh UrbizÂtondo at Danny Seigle, haÂbang tumipa ng lay-up si Jonas Villanueva at alley-oop si import Evan Brock sa extension para sa 2-0 record ng Barako Bull.
Tanging si Sol Mercado lamang ang nakaiskor para sa Globalport sa overtime.
Nauna nang tinalo ng Energy Cola ang nagdedepensang San Mig Coffee Mixers, 79-75, noong Biyernes.
“What our strategic plan was not to give penetration shots to Sol (Mercado) and the outside shots to (Gary) David in (Willie) Miller,†ani acÂtive consultant Rajko ToÂroman.
Ang drive ni David ang nagbigay sa Globalport (1-1) ng isang 10-point lead, 86-76, sa 1:59 ng fourth quarter.
Matapos ito ay hindi na nakaiskor ang Batang Pier ni mentor Junel Baculi, nagmula sa 94-92 pagtakas sa Petron Blaze Boosters .
Nagtuwang sina Urbiztondo, Seigle at Brock para ilapit ang Energy Cola sa 83-86 sa huling 43.9 segundo kasunod ang tres ni Macapagal.
Tumapos si Brock na may 25 points para sa BaÂrako Bull kasunod ang 24 ni Urbiztondo, 18 ni VilÂlanueva at 16 ni Seigle.
Nagposte naman si Japeth Aguilar ng 23 marÂkers sa panig ng Globalport, haÂbang kumolekta sina MerÂcado, naglista ng 16 assists, at David ng tig-19 points kasunod ang 12 ni import Justin Williams.
Barako Bull 98 - Brock 25, Urbiztondo 24, Villanueva 18, Seigle 16, Maliksi 9, Macapagal 6, Kramer 0, Pennisi 0, Allado 0.
Globalport 88 - Aguilar 23, Mercado 19, David 19, Williams 12, Miller 7, Yee 5, Salvador 3, DeutchÂman 0, Juntilla 0.
Quarterscores: 21-19; 35-38; 60-58; 86-86; 98-88 (OT).