Mayweather pabor kay Donaire vs Rigondeaux
MANILA, Philippines - Kung matutuloy ang unification fight nina unified world super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. at Cuban titlist Guillermo Rigondeaux, mas pipiliin ni Floyd Mayweather, Jr. si ‘The Filipino Flash’ na manalo.
At ito ay sa pamamagitan ng knockout.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni MayweaÂther na inaasahan niyang mapapabagsak ni Donaire si Rigondeaux sakaling ma-itakda ang kanilang laban sa Abril.
“People won’t like this but I’ll put it out there @filipinoflash (Donaire) will win VIA KO (knockout),†wika ni Mayweather sa kanyang Twitter account.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin napaplantsa ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang Donaire-Rigondeaux unification fight.
Samantala, kumpiyansa pa rin ang kampo ng Mexican titlist Abner Mares na maitatakda ang laban nito kay Donaire.
“Call me crazy, but I still think we’ll find a way to make this,†ani Frank Espinoza, Sr., ang manager ni Mares. “There is a lot of stuff going on, but I have a good relationship with both (promoters).â€
Namamayani pa rin ang sigalot sa pagitan nina Arum ng Top Rank at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy kaya hindi maplantsa ang unification fight nina Donaire (31-1-0, 20 KOs) at Mares (25-0-1, 13 KOs).
Si Donaire, ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion, ay nasa kampo ng Top Rank, habang si Mares, ang World Boxing Council king, ay nasa bakuran ng Golden Boy.
Naniniwala si Espinoza na maitatakda pa rin ang Donaire-Mares unification fight sa kabila ng banggaan ng Top Rank at Golden Boy.
Ikinunsidera ni Arum ang alaga niyang si Rigondeaux (11-0, 8 KOs), ang World Boxing Association ruler, na itapat kay Donaire bukod pa kay Vic Darchinyan (38-5-1, 27 KOs).
- Latest