MANILA, Philippines - Maaari nang magsumite si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ng aplikasyon sa Nevada State Athletic Commission para makakuha ng boxing license sa Nevada.
Ngunit nauna nang sinabi ni Pacquiao na gusto niyang lumaban sa labas ng United States dahil sa mataas na buwis na sinisingil ng naturang bansa sa mga foreign fighters.
Halos 40% ng fight revenue ng mga foreign boxers na lumalaban sa US ay napupunta sa buwis.
“He says that he doesn’t want to fight in the United States because of the high taxes which I can hardly blame him and you know (Juan Manuel) Marquez faces the same high taxes,†sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Ayon kay Arum, sakaling makakuha na ang 34-anyos na si Pacquiao ng boxing license sa NSAC ay maaari na niyang simulan ang pagsasanay para sa kanyang laban ngayong taon.
“He can start training in February and any time after March 9th, he can fight,†wika ni Arum sa Sarangani Congressman.
Binigyan si Pacquiao ng 120 araw na mandatory suspension ng NSAC matapos mapabagsak ni Juan Manuel Marquez sa huling segundo ng sixth round sa kanilang pang apat na pagtatagpo noong Disyembre 8, 2013 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Sinabi naman ni NSAC executive director Keith Kizer na wala pa silang naÂÂtaÂtanggap na aplikasyon mula kay PacÂquiao para sa kanyang boxing license.
“We haven’t received any application for 2013,†ani Kizer.
Ang ilan sa mga pinagpipiliang lugar na posibleng pagdausan ng Pacquiao-Marquez Part 5 ay ang Macau, Dubai, Singapore at Mexico.