Marami ang nagulat, nagtaka at nagtaas ng kilay nang sabihin ni Juan Manuel Marquez nung isang araw na ayaw na niya muling labanan pa si Manny Pacquiao.
Akala ko ba ay halos kasado na ang ikalimang laban nila Pacquiao at Marquez sa September at ito ang dahilan kung bakit ipinagpaliban ni Marquez ang kanyang retirement.
Matapos kasing patulugin ni Marquez si Pacquiao sa Las Vegas nung Disyembre, marami agad naghangad na mapanood pa sila na muling magbakÂbakan.
Garantisadong bakbakan nga naman ang kanilang makikita. Isa pa, mukhang desidido si Pacquiao na makabawi sa kanyang masaklap na pagkatalo.
Halos ikasa na nga ni Bob Arum ang laban sa Setyembre 16 dahil nga papatak din dito ang Mexican Independence Day.
Sigurado namang mas malaki na ang makukuha ni Marquez sa ikalimang laban. Nung huli kasi ay suÂmahod siya ng $6 million kumpara kay Pacquiao na tumabo ng $23 million.
Kaya bakit nga ba biglang nagsabi si Marquez na ayaw na niyang labanan pang muli si Pacquiao? Siya ba ay nagpapapresyo na? O kaya ay may iba siyang balak?
Puwede din kasing sinusubukan ni Marquez na makakuha ng rematch kay Floyd Mayweather Jr. matapos siyang talunin ng Amerikano nung 2009.
Dominado ni Mayweather si Marquez sa kanilang laban pero dahil sa ipinakita niya sa laban kay Pacquiao baka iniisip niya na puwede siya ulit labanan ni Mayweather.
Baka gusto niyang silipin kung saan siya puwedeng kumita ng mas malaki. Kay Pacquiao ba o kay Mayweather?
Wala naman siyang iba pang puwedeng labanan kung ang gusto niya ay kumita ng malaki.
Kaya hindi ako naniniwalang ayaw na labanan pang muli ni Marquez si Pacquiao. Naniniguro lang ito sa susunod na laban ay paldu-paldo siya.
Nagpapaduday lang.