MANILA, Philippines - Hindi na ranking kundi ang kalidad ng atletang ipadadala ang titingnan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa gagaÂwing paglahok sa 27th SEA Games sa Myanmar mula Disyembre 11-22.
Suko na ang Pilipinas kung puwestuhan sa hanay ng mga maglalabang bansa ang pag-uusapan matapos mawala ang mga sports at events na malakas ang bansa.
Inalis ang larong bowÂling at lawn tennis na kung saan palaban ang bansa habang nagpasok ng 58 events sa mga traditional sports ang host na hanap ang maÂgandang pagtatapos sa kauna-unahang hosting sa tuwing kada-dalawang taong palaro.
Ang Myanmar ay tumapos sa ikapitong puwesto noong 2011 SEA Games bitbit ang 16 ginto, 27 pilak at 37 bronze medal habang ang Pilipinas ay nasa ikaanim na puwesto sa 36-56-77.
Nag-ulat na ang mga kumatawan sa bansa sa SEAG Federation Council Meeting kamakailan at pagÂtutuunan ngayon ng POC ang makabuo ng criÂteria para sa pagpili ng manlalarong may magandang tsansa na manalo sa Myanmar.
Naunang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia ang paglimita sa pagpapadala ng manlaÂlaro sa Myanmar at ang maitatabing pondo ay maÂgagamit pa sa hosting ng bansa sa paggunita ng centennial anniversary ng Asian Games sa bandang Nobyembre sa Boracay.
Nasa 50 hanggang 100 atleta ang nakikita ng POC at PSC na puwedeng ipadala sa Myanmar.