^

PSN Palaro

Sa ipapadalang atleta sa Myanmar SEAG: POC ‘di na gagamit ng rankings

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na ranking kundi ang kalidad ng atletang ipadadala ang titingnan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa gaga­wing paglahok sa 27th SEA Games sa Myanmar mula Disyembre 11-22.

Suko na ang Pilipinas kung puwestuhan sa hanay ng mga maglalabang bansa ang pag-uusapan matapos mawala ang mga sports at events na malakas ang bansa.

Inalis ang larong bow­ling at lawn tennis na kung saan  palaban ang bansa habang nagpasok ng 58 events sa mga traditional sports ang host na hanap ang ma­gandang pagtatapos sa kauna-unahang hosting sa tuwing kada-dalawang taong palaro.

Ang Myanmar ay tumapos sa ikapitong puwesto noong 2011 SEA Games bitbit ang 16 ginto, 27 pilak at 37 bronze medal habang ang Pilipinas ay nasa ikaanim na puwesto sa 36-56-77.

Nag-ulat na ang mga kumatawan sa bansa sa SEAG Federation Council Meeting kamakailan at pag­tutuunan ngayon ng POC ang makabuo ng cri­teria para sa pagpili ng manlalarong may magandang tsansa na manalo sa Myanmar.

Naunang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia ang paglimita sa pagpapadala ng manla­laro sa Myanmar at ang maitatabing pondo ay ma­gagamit pa sa hosting ng bansa sa paggunita ng centennial anniversary ng Asian Games sa bandang Nobyembre sa Boracay.

Nasa 50 hanggang 100 atleta ang nakikita ng POC at PSC na puwedeng ipadala sa Myanmar.

 

vuukle comment

ANG MYANMAR

ASIAN GAMES

BORACAY

FEDERATION COUNCIL MEETING

MYANMAR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with