^

PSN Palaro

4th Asean Basketball League San Miguel Beermen reresbak sa Saigon Heat

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magarbong unang laro sa home court ang nais na makamtan ng San Miguel Beermen sa pagharap sa Saigon Heat sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inaasahang naroroon ang mga  panatiko ng Beermen upang suportahan ang laro laban sa Heat na itinakda sa alas-5 ng hapon.

Ito ang ikalawang sunod na pagkikita ng dalawang koponan at hanap ng home team na maibaon sa limot ang 79-82 pagkatalo na naipalasap sa kanila ng Heat noong nakaraang Sabado sa Vietnam.

May 3-1 karta ang bisitang koponan, kasama ang tatlong sunod na panalo, kaya’t nananalig si coach Leo Austria na patuloy na magpapakita ng magandang pagtutulungan ang kanyang koponan.

“Ito ang unang home game namin kaya  pagsusumikapan namin na maipanalo ito,” wika ni Austria na may 1-1 karta.

Sina imports Gabe Free­man at Brian Williams  ang mangunguna sa Beermen habang ang suporta ay magmumula kina Chris Banchero, Asi Taulava at Eric Menk.

Pero dapat na manumbalik ang shooting ni Leo Avenido na nalimitahan sa 3 of 10 shooting sa Vietnam tungo sa 6 na puntos lamang.

Dapat ding paigtingin ang  depensa ng Beermen laban sa tatlong bigating  manlalaro ng Heat na sina Dior Lowhorn, David Pal­mer at Jai Reyes na sa unang pagtutuos ay nagsanib sa 72 puntos.

Ang labanan ay mapa­panood ng live sa FoxSports at may replay sa alas-8 ng gabi.

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHRIS BANCHERO

DAVID PAL

DIOR LOWHORN

ERIC MENK

GABE FREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with