KUALA LUMPUR--WiÂÂnalis ng PLDT-ABAP Developmental Team, nagtampok sa mga produkto ng kanilang grassroots development program na may edad 17 hanggang 20-anyos, ang lima sa walong weight categories sa Kuala Lumpur City Day Tournament dito sa Taman Titiwangsa Stadium.
Binanderahan ng 17-anyos na si Jade Bornea, kumuha ng bronze medal sa 2012 World Youth Championships sa Armenia, ang bansa sa pagpasok sa Finals nang kunin ang 13-11 panalo kontra kay Malaysian Air Force boxer Mohamad Shahril Razni sa 49 kg light-flyweight.
Umiskor naman si General Santos City pride Roldan Boncales ng isang 20-9 tagumpay laban kay Singaporean Mohamed Hanurdeen Hami sa 52- kg championships sa nasabing 5-day invitational competition na nilahukan ng Singapore, Qatar, Brunei, Hong Kong at host Malaysia.
Lubos na dinomina ni Jonas Bacho ang bantamweight (56 kg) final nang umiskor ng 15-8 panalo kontra kay Mohamed Ajmil Hamid ng Singapore.
Tinalo naman ng 20-anyos na si Nico MagÂliquian si Abdulateef Mohamad Sadiq ng Qatar sa lightweight class.
Nagtabla sila sa 16-16 sa final score, ngunit kinatigan si Magliquan ng tatlo sa limang judges.
Iginupo naman ni 2011 World Junior champion Eumir Felix Marcial si Wan Mohd Rizuan Wan Aziz sa light welterweight class.