Sa windsurfing sa Sea Games 8-taong tagtuyot sa gold magwawakas na
MANILA, Philippines - Handa ng tapusin ng Pilipinas ang walong taong pagkauhaw sa gintong medalya kung larangan ng windsurfing sa Southeast Asian Games ang pag-uÂusapan.
“I can say that we realÂly have a very, very good chance this time,†wika ni National coach Raul Lazo na nakasama ang mga manlalarong sina Geylord Coveta, Harold Madrigal at Yancy Kaibigan na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Mataas ang kumpiyansa ni Lazo dahil ang bitbit na tatlong manlalaro ay nanalo ng dalawang ginto at isang pilak sa idinaos na Singapore Open Asian Windsurfing Championships mula Enero 16-20.
Si Coveta na nanalo ng bronze medal sa Indonesia SEA Games noong 2011, ang siyang panlaban sa ginto sa Myanmar SEA Games sa Disyembre dahil bukod sa ginto sa Asian Championships ay nauna na siyang nanalo sa World Championships sa RS: One event na ginanap sa Boracay noong Disyembre.
“Si German Paz ang huling wind surfer natin na nanalo ng SEA Games gold medal noong 2005. Mahirap nating siguraduhin ang medalya dahil marami pa ang puwedeng mangyari pero kung sa performance ni Coveta ang pag-uusapan, siya talaga ang may magandang chance,†ani pa ni Lazo.
Kasama sa tinalo ng 31-anyos tubong Anilao, Batangas na si Coveta ang Asian Games gold medalist at pambato ng Indonesia na si Oka Salaksana sa Singapore.
Dalawang kalalakihan at dalawang kababaihan ang ipadadala sa SEA GaÂmes at pinag-aaralan pa kung sino kina Madrigal at Kaibigan ang makakasama ni Coveta.
- Latest