Hahabol si Fajardo
Malayo na ang kalamangan ni Calvin Abueva kay June Mar Fajardo sa laban para sa PBA Rookie of the Year award.
Pero hindi pa naman sure na si Abueva ang maÂkakakuha ng karangalang ito sa pagtatapos ng 38th season ng PBA.
May dalawang conferences pa namang nalalabi paÂra makahabol si Fajardo.
Si Fajardo ay isang 6-foot-10 na sentro buhat sa Visayas. Siya nga ang hands down choice paÂra sa No. 1 pick at hindi nag-atubili ang Petron Blaze na kunin siya.
Si Abueva ay pinag-isipan pang mabuti ni coach Luigi Trillo ng Alaska Milk. pero sa dakong huli, siya pa rin ang naging No. 2 pick ng Draft.
Katunayan ay nagsakripisyo pa ang Alaska Milk daÂhil sa hindi nito kaagad nakasama ang manlalarong tinaguriang “The beast.â€
Kasi nga’y naglalaro pa ito sa San Sebastian College at hindi pa tapos ang 85th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) nang magbukas ang kasalukuyang PBA season.
Kailangan pa kasing tapusin ni Abueva ang kanyang commitment sa SSC Stags. So, hindi siya nakasama ng Aces sa unang tatlong games.
Katunayan, kung umabot sa Finals ang Stags, baka ilang laro ang hindi niya nalahukan.
Kaso’y natalo ang Stags sa Letran at ang Knights ang nakalaban ng San Beda Red Lions para sa kampeonato.
Isa siya sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Alaska Milk at nakarating sila sa semifinal round kung saan nakalaban nila ang defending champion na Talk ‘N Text.
At napakaganda ng laban na ibinigay ng Aces sa Tropang Texters. Kung tutuusin, muntik pa nilang maÂsilat ang Talk ‘N Text.
Kung napanalunan ng Alaska Milk ang Game One, malamang na sila ang umabot sa Finals at hindi ang Tropang Texters.
Magandang accomplishment na rin para sa Alaska Milk ang pag-abot sa semis. At ngayon ay naÂngangarap ang Aces na mahigitan pa iyon.
Sa kabilang dako, naÂdiskaril si Fajardo at ang PeÂtron sa Philippine Cup kung saan pumang-pito lang ang Boosters.
Si Fajardo ay nagkaÂroon ng groin injury matapos ang kanyang ikatlong laro at matagal na hindi naÂpakinabangan ng Petron.
Dahil sa kanyang pagÂkaÂwala ay sumadsad ang Boosters. Bagama’t umaÂbot sila sa quarterfinals ay natalo sila sa San Mig Coffee at maagang nagbakasyon.
Pero gaya ng nasabi natin, baka makahabol si Fajardo. Kasi minabuti ni coach Olsen Racela na hinÂdi kumuha ng isang 7-footer bilang import.
Ang kinuha ng Petron ay si Renaldo Balkman, isang 6’8 power forward na beterano ng NBA. Ayon sa mga scouts, ito ang pinakamagaling na talent sa sampung imÂports na kalahok sa PBA Commissioner’s Cup.
Dahil hindi sentro ang import ng Petron, aba’y si Fajardo ang mabababad nang husto sa gitna.
At kung makakapagtala siya ng magandang nuÂmero sa PBA ComÂmissioÂner’s Cup at aabot sa Finals ang Petron aba’y mahahabol niya si AbuÂeva. Magiging interesante ang laban para sa RooÂkie of the Year award!
- Latest