^

PSN Palaro

RTU pinigil ng Zambales

Pilipino Star Ngayon

IBA, ZAMBALES, Philippines--Pini­gil nina hometown bets Melvin Jakaran at Lloyd Trinidad ang dominasyon ng Rizal Technological University (RTU) sa PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament finals matapos ang kanilang mga panalo dito sa Capitol Grounds.

Tinalo ni Jakaran si Jovan Krist Solmoro sa 56 kg youth boys bantamweight division mula sa kanyang 8-7 tagumpay.

Umiskor naman si Tri­nidad ng isang Referee Stopped Contest win laban kay Alkhuzeem Abdul Aziz ng Kabaka sa opening round ng kanilang 60 kg. youth boys lightweight match.

Isang solidong right straight ang ibinigay ng 18-anyos na pambato ng Zambales na si Trinidad na nagpabagsak kay Abdul Jaziz, ang ama ay isang Saudi Arabian.

Bagamat nakatayo si Abdul Aziz, isang fourth-year high school student sa Mapua at ginagabayan ni dating Asian Games gold medalist Joan Tipon, itinigil naman ng referee ang la­ban sa 1:26.

Tatlong gold medal naman ang inangkin ng RTU, kasama dito ang isa sa 46- kg youth boys pinweight ni Mark Alex Brin.

Pamangkin ni three-time Olympian Romeo Brin, tinalo ni Brin si Richard Agora ng Tayabas, 17-10.

Ang iba pang gold me­dalists ay sina Fernel Gaspi ng Sorsogon, Jessie Diaz ng Tayabas, Ryan Torres ng San Fernando City at Jess Ganayan ng Iba.

ABDUL AZIZ

ABDUL JAZIZ

ALKHUZEEM ABDUL AZIZ

ASIAN GAMES

CAPITOL GROUNDS

FERNEL GASPI

JESS GANAYAN

JESSIE DIAZ

JOAN TIPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with