Wade binitbit ang Miami sa 4-dikit na panalo

MIAMI--Umiskor si Dwyane Wade ng 29 points at naging susi sa ratsada ng Miami Heat patungo sa kanilang pang-apat na sunod na panalo sa bisa ng kanilang 110-88 paggiba sa Detroit Pistons.

Sinimulan ni Wade ang laro na may 20.5 points per game, ang kanyang pinakamababang ave­rage sapul noong kanyang roo­kie season sa 2003-04.

Ngunit tumipa siya ng season-high 35 points noong Miyerkules sa ka­nilang panalo kontra sa To­ronto Raptors at may 23 sa first half laban sa Pistons.

“I’m just getting heal­thier,” wika ni Wade, nagkaroon ng left knee surgery noong Hulyo.

 â€œI’m being more active. I feel in a lot better shape than I was early in the year. Lately I’ve been put in the right position to be aggressive,” dagdag pa niya.

Matapos ang kanilang nine-point deficit, inungusan ng Heat ang Piston sa scoring, 26-4, sa loob ng pitong minuto sa second quarter para kunin ang 60-47 kalamangan.

Humugot si Wade ng 15 points sa nasabing arangkada ng Miami.

“You can see the spring in D-Wade’s legs,” wika ni LeBron James.

Kumolekta si James ng 23 points, 7 rebounds at 7 assists para sa Heat.

 

Show comments