Laro ngayon
(JCSGO Gym,
Quezon City)
2 p.m. Café France
vs Boracay Rum
4 p.m. Informatics
vs Big Chill
MANILA, Philippines - Paiinitin uli ng Big Chill ang paghahabol para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagbangga sa wala pang panalong Informatics sa PBA D-LeaÂgue Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.
Galing sa masamang 59-77 pagkakadurog ang tropa ni coach Robert Sison sa kamay ng Cagayan Valley Rising Suns sa huling laro para magkasalo ang dalawa sa ikatlong puwesto sa 5-3 baraha.
Ang pahingang Blackwater Sports ang nasa solo ikalawang puwesto sa 6-2 karta kaya’t kailangan ng Super Chargers na maÂkuha ang tagumpay para hindi lumayo pa ang Elite.
May 0-8 karta ang Icons pero pinaalalahanan ni SiÂson ang kanyang mga alipores na maging handa sa todo-todong laro ng katunggali upang makatikim din ng panalo.
“Mahirap kalaban ang isang team na walang pressure. Kaya dapat ay ilaro namin ang aming tunay na laro lalo na sa depensa,†wika ni Sison.
Kung magwagi, dapat pang manalo ang Big Chill sa Café France sa Enero 31 at manalanging matapos ang Elite ay magtala lamang ng 1-1 karta sa huÂling dalawang laro para magkaroon pa ng tsansa sa insentibo.
Ang Bakers ay magbabalak na pag-ibayuhin ang kasalukuyang 4-4 baraha laban sa Boracay Rum sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.
Bagama’t palaban din sa insentibo, mas pagtutuunan ng Café France ang matiyak ang puwesto sa quarterfinals lalo pa’t pitong koponan pa ang nagsisiksikan sa apat na puwesto sa next round.
Kasama sa palaban ay ang Waves na sa 3-5 baÂraha ay mangangailaÂngan na walisin ang huÂling dalawang asignatura upang manatiling nasa konÂtensyon.