^

PSN Palaro

Big Chill maghahabol sa outright semis

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

(JCSGO Gym,

Quezon City)

2 p.m.  Café France

vs Boracay Rum

4 p.m.  Informatics

vs Big Chill

 

MANILA, Philippines - Paiinitin uli ng Big Chill ang paghahabol para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagbangga sa wala pang panalong Informatics sa PBA D-Lea­gue Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Galing sa masamang 59-77 pagkakadurog ang tropa ni coach Robert Sison sa kamay ng Cagayan Valley Rising Suns sa huling laro para magkasalo ang dalawa sa ikatlong puwesto sa 5-3 baraha.

Ang pahingang Blackwater Sports ang nasa solo ikalawang puwesto sa 6-2 karta kaya’t kailangan ng Super Chargers na ma­kuha ang tagumpay para hindi lumayo pa ang Elite.

May 0-8 karta ang Icons pero pinaalalahanan ni Si­son ang kanyang mga alipores na maging handa sa todo-todong laro ng katunggali upang makatikim din ng panalo.

“Mahirap kalaban ang isang team na walang pressure. Kaya dapat ay ilaro namin ang aming tunay na laro lalo na sa depensa,” wika ni Sison.

Kung magwagi, dapat pang manalo ang Big Chill sa Café France sa  Enero 31 at manalanging matapos ang Elite ay magtala lamang ng 1-1 karta sa hu­ling dalawang laro para magkaroon pa ng tsansa sa insentibo.

Ang Bakers ay magbabalak na pag-ibayuhin ang kasalukuyang 4-4 baraha laban sa Boracay Rum sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.

Bagama’t palaban din sa insentibo, mas pagtutuunan ng Café France ang matiyak ang puwesto sa quarterfinals lalo pa’t pitong koponan pa ang nagsisiksikan sa apat na puwesto sa next round.

Kasama sa palaban ay ang Waves na sa 3-5 ba­raha ay mangangaila­ngan na walisin ang hu­ling dalawang asignatura upang manatiling nasa kon­tensyon.

ANG BAKERS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

QUEZON CITY

ROBERT SISON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with