MANILA, Philippines - Nasa 20 koponan mula sa naunang 70 high school teams ang palaban para sa 30th SeaOil Metro Manila Basketball League.
Tinalo ng Hope Christian High School ang La Salle Zobel, 73-64, sa Division I upang pumasok sa finals kalaban ang manaÂnalo sa pagitan ng dating UAAP champion National University at NCAA champion San Beda na magtatagisan ngayon sa San Beda Gym.
Sa division II, ang Faith Academy Vanguards ay nanaig sa UST Team B, 69-58, para isunod ang tagisan laban sa Xavier na nalusutan ang NU Team B, 71-69.
Nasa finals naman ang San Beda Team B nang isantabi ang hamon ng kaÂpatid na paaralan na San Beda Alabang, 68-66. Kalaro nila sa Division III title ang Colegio San Belindo Rizal na inuwi ang 71-57 panalo sa Colegio de San Agustin Biñan.
Sa Division IV, ang NU Team C ay umukit ng 71-44 panalo sa La Salle College of Antipolo para harapin ang San Beda Team D na tinalo ang Espiritu Santo Parochial School, 65-61.
Ang girls team ng La Salle Zobel ay nanalo sa La Salle College of Antipolo, 68-46, at hihintayin ang mananalo sa pagitan ng Chiang Kai Shek-UNO at Casimiro Ynares Memorial School sa finals.