Gilas duguan sa Jordan
MANILA, Philippines - Nagwala ang dating Air21 import na si Alpha Bangura sa huling yugto upang bitbitin ang SporÂting Amarex ng Jordan sa 75-65 panalo sa Gilas Pilipinas II sa pagtatapos ng group stages ng 24th Dubai International Basketball Tournament noong Martes sa Al-Ahli Gym sa Dubai, UAE.
Tumapos si Bangura taglay ang 31 puntos at 14 rito ay ginawa sa huling yugto para tuluyang iwanan ang Nationals tungo sa 2-1 karta.
Ang mahusay na si Kevin Alas ay mayroong 12 puntos habang ang Fil-Am guard na si Matt Rosser at Garvo Lanete ay naghatid ng 11 at 10 puntos para sa tropa ni coach Chot Reyes na nalaglag sa 1-2 baraha.
Bagamat masama ang tinapos, puwede pang bumangon ang koponan kung mananalo ang number three team sa Group B sa number two ng Group A na Sagesse Beirut, Lebanon sa knockout quarterfinals sa Miyerkules.
“Tried hard but (Darren) Dorsey and Bangura just too good, too experienced for our kids. But we fought till d end,†tweet ni coach Reyes.
Kinausap din niya ng masinsinan ang kanyang batang koponan para itodo ang kanilang ipakikita sa mahalagang quarterfinals at magkaroon pa ng tsansang patuloy na bigyan ng karangalan ang bansa gamit ang mga batang manlalaro.
- Latest