Gilas 2, Jordan magpupuwestuhan AT

MANILA, Philippines - Aasahan ang lideratong ibibigay ni naturalized 6’10 center Marcus Douthit para magkaroon ng magandang puwesto ang Gilas Pilipinas II papasok sa quarterfinals ng 24thDubai International Basketball Championship sa Al-Ahli Club sa Dubai, UAE.

Kalaban ng Gilas ang Amarex ng Jordan nga­yon (Martes ng madaling araw), at mag-uunahan ang dalawang koponan sa paglista ng ikalawang panalo matapos ang tatlong laro upang malagay sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng group seeding.

Ang mga kasaling ko­po­nan ay hinati sa dalawang grupo na nagsagawa ng single round robin para madetermina ang ran­kings para sa crossover quarterfinals.

May 1-1 karta rin ang Mouttahed Tripoli ng Lebanon at Al-Ahli Club ng UAE na magtutuos sa isang  laro.

Naunang nanalo ang Gilas sa Moutthahed, 79-77, bago dinurog ng mas malalaking UAE team, 82-97.

Natalo ang Jordanian team sa Moutthahed kahit nakalamang ng 20 puntos sa halftime kaya’t  gagawin din nila ang lahat ng dapat para manalo at makaiwas sa malalakas na koponan sa Group A sa quarterfinals na siyang simula ng knockout format.

“Jordan has Darwin Dor­­sey and Alpha Bangura as imports. National players are 6’10Ali Jemel, 7’2 young center Ahmed Deouri and 6’8 San Sakkakini. If Douthit plays well, we have a chance,” wika ni Gi­las coach Chot  Reyes.

Si Douthit ay nalimita­han lamang sa siyam na puntos sa huling laro at na­ngako siyang babawi sa larong ito.

“Sorry for the loss. I should have been smarter and more of a leader. Never to old to learn,” pahayag ni Douthit.

 

Show comments