MANILA, Philippines - Hindi pa bumibigay ang Rain or Shine kung ang laban para sa PBA Philippine Cup title ang pag-uusapan.
Nalagay ang Elasto Painters sa 0-3 karta sa best of seven Finals series nang lasapin ang 80-89 pagkatalo sa kamay ng Talk N’Text noong Linggo.
“We’ll just try to delay their party or celebration,†wika ni Elasto Painters coach Yeng Guiao.
“I don’t think we’ll change many things in terms of our game plan. Were not just really making our shots. Our guards not hitting their mark,†dagdag ng beteranong mentor na binigyan ang Rain Or Shine ng unang titulo sa huling PBA conference.
Hindi pumapabor ang kasaysayan sa Rain or Shine dahil wala pang koponan, sa PBA man o sa NBA, ang nakabangon mula sa 0-3 pagkakalubog.
Sa istatistika, 10 koponan sa Finals na nagbukas ng 3-0 baraha ay naging kampeon.
Ang huling koponan na nakagawa ng sweep ay ang Purefoods laban sa Alaska sa Philippine Cup noong 2009-10 season.
“We are in this position and we are definitely going for it (sweep),†wika ni Black na puntirya ang ika-11 titulo sa pro league.
Maliban sa pagganda ng opensa, hanap din ni Guiao ang pantay na tawagan dahil naniwala siyang naapektuhan ang kanyang koponan ng masamang pito sa huling yugto.
“Ranidel hit Gabe off a rebound, yung steal ni Jason (Castro) kay Chris Tiu, yung drive ni Ryan Reyes kay Paul Lee. In those situation, malalaking bagay yun para sa amin and they didn’t give it to us in the crucial moments of the game,†pagtatapos ni Guiao.