MANILA, Philippines - Tuluy na tuloy na ang pagÂkikita ng dalawang WBO champions na sina Donnie “Ahas†Nietes at Moises Fuentes ng Mexico sa Pilipinas.
Sa Marso 2 ikinasa ang tagisan at ang titulo ni Nietes sa light flyweight division ang paglalabanan.
Ang WBO president na si Paco Varcarcel ang mismong naghayag ng nasabing laban at nakakaÂlendaryo na ito sa kanilang website.
Si Nietes ang makakaÂkuha ng taguri bilang unang world champion ng bansa na masasalang sa title fight pero hindi madali ito dahil si Fuentes ang kasaluÂkuyang hari sa WBO minimumweight division, ang daÂting dinodomina ng Filipino fighter.
May 16-1 kasama ang 8 KOs ang 27-anyos na si Fuentes at sa huling pagdepensa sa minimumweight title noong Oktubre 6 ay kanyang pinatulog sa limang rounds ang daÂting world champion Ivan Calderon ng Puerto Rico.
Nagdesisyon si Fuentes na subukan ang kanyang tsansa kay Nietes na may 31 panalo sa 35 laban at 17 KO.
Ito ang lalabas na ikaÂapat na sunod na laban sa bansa at hangad niya ang kumbinsidong panalo para maipakita sa lahat na taglay ng 30-anyos na kampeon ang bangis ng magkabilang kamao na nasilayan noong nasa mas mababang timbang pa siya.
Nakuha ni Nietes ang light flyweight title nang talunin sa pamamagitan ng unanimous decision ang dating kampeon Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 8, 2011 sa La Salle Bacolod.
Naidepensa niya ang titulo noong Hunyo 2, 2012 laban sa isa pang Mexicano na si Felipe Salguero sa Resorts World Hotel sa pamamagitan ng unanimous decesion.
Sina Nonito Donaire (WBO super bantamweight), Brian Viloria (WBO/WBA flyweight) at Johnreil Casimero (IBF light flyweight) ang iba ang world champions sa ngayon ng bansa.