Galedo, Valenzuela paborito sa 2013 LBC Ronda Pilipinas
ZAMBOANGA CITY, Philippines -- Inaasahang aabangan sina 2012 champion Mark GaÂledo at Irish Valenzuela paÂra sa kanilang mga koÂpoÂnang Roadbike Philippines at LPGMA-American Vinyl sa pagpadyak ng 3rd LBC Ronda Pilipinas 2013 ngaÂyon tampok ang isang 132.2-kilometer Stage One na magsisimula dito at magÂtatapos sa Ipil sa Sibugay.
Paborito ang 27-anÂyos na si Galedo para sa kanÂyang ikalawang sunod na korona, habang ang 26-anyos na si ValenzuÂela ang sinasabing makakaÂpigil sa kanya sa nasabing 16-leg, 21-day, 2,200-kiloÂmeÂter tour.
Ang cycling event ay may kabuuang premyong P7.5 milyon.
Sina Galedo at ValenzuÂela ay tumapos bilang No. 1 at No. 2 sa nakaraang edisÂyon ng 15-lap race.
Ang napanalunan ni Galedo na P1 milyon noÂong nakaraang taon ay kanÂÂyang ginastos para sa kaÂÂnilang pagpapakasal ng nobyang si Grace Alon noÂong Disyembre12.
Pinapagaling naman ni Valenzuela ang kanyang left shoulder injury na kanyang nalasap sa pagsasaÂnay sa rice terraces ng BaÂÂnaue noong Disyembre.
Idinagdag ng Roadbike Phl sa kanilang tropa sina sprinters Ronnel Hualda at Alfie Catalan at climber HarÂvey Sicam.
- Latest