Mavericks nakatakas sa Kings sa OT

SACRAMENTO, Calif. -- Isang siko mula kay DeMar­cus Cousins ang tumulong sa Dallas Mavericks na ma­kakuha ng panalo laban sa Sacramento Kings.

Nagposte si O.J. Mayo ng 24 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Vince Carter ng 23 points para sa­­mantalahin ng Mavericks ang nasabing flagrant foul ni Cousins at bumangon mula sa isang 17-point deficit pa­tungo sa kanilang 117-112 overtime win kontra sa Kings.

Tumapos si Cousins na may 29 points at 9 rebounds bago napatalsik sa huling 41.9 segundo sa overtime period dahil sa pagsiko sa mukha ni Carter.

Ang flagrant 2 foul ni Cousins ang kanyang pang anim na personal foul.

Nag-ambag si Shawn Marion ng 19 points at 10 re­bounds para tulungan ang Dallas na wakasan ang ka­nilang four-game losing skid.

Umiskor naman si Tyreke Evans ng 20 points at may 18 si Isaiah Thomas para sa Sacramento.

Sa Potland, nagsalpak si Wesley Matthews ng isang 3-pointer para ilagay ang Portland sa unahan sa huling 26.9 segundo at igiya ang Blazers sa 92-90 panalo kontra sa Miami Heat.

Sa Indianapolis, humugot si Paul George ng pito sa kan­yang 25 points sa isang mahalagang 13-0 ratsada ng Indiana Pacers sa fourth quarter para talunin ang New York Knicks, 81-76.

 

Show comments