Cagayan Valley, Boracay Rum umiskor

Laro sa Martes

(Trinity Gym, Quezon City)

2 p.m. Fruitas vs JRU

4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Blackwater

 

 

 

 

MANILA, Philippines -Nagbagsak ng anim na tres ang Cagayan Valley sa huling yugto upang kunin ang 77-59 panalo kontra sa Big Chill sa PBA D-League As­pirants’ Cup kahapon sa Arellano Gym sa Legarda, Ma­nila.

Tatlong tres ang tinipa ni Ad­rian Celada para itabla ang Rising Suns sa Super Chargers sa 5-3 baraha.

Dikitan ang labanan sa unang tatlong yugto at ang Cagayan ay abante lamang sa  50-47 nang buksan nina Celada at Eliud Poligrates ang huling yugto gamit ang isang tres at jumper para lu­mayo sa 55-47.

Ang 59 puntos ng Super Chargers ang kanilang pinakamababa sa season na nakuha mula sa mahinang 23-of-66, kasama ang 3-of-18 clip sa tres.

Nilagok ng Boracay Rum ang Erase Xfoliat, 82-61, para manatiling buhay ang katiting na tsansa na umabante sa eliminasyon.

Ito ang ikatlong panalo sa walong laro ng Waves, habang ikaanim na kabiguan laban sa dalawang panalo ang nakuha ng Erasers na sinamahan ang walang panalong Informatics na namahinga na sa liga.

 

 

Show comments