^

PSN Palaro

Boracay sasagupa naman sa Xfoliant Big Chill lalapit sa semis berth

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May tiwala si Big Chill coach Robert Sison na alam ng kanyang mga ali­­pores ang kahalagahan ng nalalabing tatlong laro sa kanilang paghahabol pa­ra sa ikalawa at huling aw­tomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup.

“Maliban sa NLEX, ang ibang teams ay dikit-dikit sa standings kaya’t ang bawat ma­kukuhang panalo ay ma­giging mahalaga mula nga­yon,” wika ni Sison.

Tatangkain ng Super Chargers (5-2) na manatili ang kapit sa ikalawang pu­westo sa standings sa pag­harap sa Cagayan Ri­sing Sun (4-3) sa unang laro ngayong alas-2 ng ha­pon sa Arellano Gym sa Le­garda, Manila.

Kasalo ng Super Char­gers sa mahalagang pu­westo ang pahingang Black Water Sports (5-2).

Galing ang koponan  mula sa 88-68 panalo laban sa Erase Xfoliant (2-5) sa larong nakitaan ang Big Chill ng matibay na depensa tungo sa kumbinsidong panalo.

Sa kabilang banda, ang Ri­sing Suns ay maghaha­ngad na tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo upang malaglag sila mula sa tuktok ng standings tu­ngo sa pagsalo sa ikaapat at limang puwesto kasama ang Fruitas Shakers (4-3).

Kailangan ng tropa ni coach Alvin Pua na talunin ang Big Chill para makadikit s­ila ng kalahating laro sa ma­giging solo second na Elite.

Mag-uunahan naman ang Boracay Rum (2-5) at Erase Xfoliant na makuha ang ikatlong panalo sa pag­kikita ng dalawang ko­ponang na posibleng maalis agad sa torneo.

Ang pride na lamang ang paglalabanan ng da­la­­wang koponan dahil ka­­hit wa­lisin pa ang lahat ng na­titirang tatlong laro ang tsan­sa na makaiwas sa ma­agang bakasyon ay na­­kadepende sa laro ng mga ko­ponan.

ALVIN PUA

ARELLANO GYM

BIG CHILL

BLACK WATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN RI

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with