Manny Pacquiao sinagot ang isyu sa pagkakaroon niya ng Parkinson’s disease

MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lamang ni Filipino world eight-division champion Man­ny Pacquiao ang mga ko­mentaryo ng dalawang Fi­lipino Doctor kaugnay sa pagkakaroon niya ng sin­tomas ng Parkinson’s di­sease.

Sa kanyang pagbabalik sa bansa kahapon mula sa pagbabakasyon sa Israel kasama ang kanyang pa­milya, sinabi ni Pacquiao na iginagalang niya ang ko­mento nina neurologist Dr. Rustico Jimenez at fo­rensic pathologist Dr. Ra­quel Fortun.

“Comment na lang ‘yun. Lahat naman may ka­rapatang mag-comment,” ani Pacquiao sa pahayag ni­na Jimenez at Fortun na may sintomas siya ng Par­kinson’s disease base sa kanilang napanood na pa­nayam sa Sarangani Congressman sa telebis­yon.

“Bad or good, talagang ga­noon. May mga tao na gus­to lang sumikat, ma­ki­lala. I’ll pray for them,” dag­­dag pa nito.

Noong nakaraang taon, dalawang beses nakatikim ng pagkatalo ang 34-anyos na si Pacquiao.

Ito ay kina Timothy Brad­ley, Jr. (split decision) no­ong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez (sixth-round KO) noong Dis­yembre 8.

Ayon kay Pacquiao, sa tuwing matatapos ang kanyang laban ay kaagad siyang dumidiretso sa ospital.

“Siyempre ako sa sarili ko, after ng fight, sa hospital, tapos pagdating ko dito sa Pilipinas, make sure na nagpa-MRI ako, lahat, nag­pa-checkup ako, so okay na­man ang resulta,” sabi ni ‘Pacman’. 

Kabilang sa mga pamosong nagkaroon ng Parkinson’s disease ay sina world boxing great Muhammad Ali at five-time Trainer of the Year awardee Freddie Roach, ang chief trainer ni Pac­quiao.

Para sa taong ito ay wa­la pang tiyak na makakaharap ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs).

Ang dalawa sa mga po­sibleng makatapat ni Pac­quiao ay sina world light­weight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs) at ang 39-anyos na si Marquez (54-6-0, 39 KOs).

Bago ito isipin, sinabi ni Pacquiao na aasikasuhin muna niya ang mga trabaho niya sa Kongreso bukod pa sa kanilang kandidatura ng asawang si JInkee.

Show comments