Texters nakauna sa Painters sa serye inangkin ang 1-0 kalamangan sa finals

Ang drive ni Ryan Reyes ng Talk ‘N Text laban kay Ron­nie Matias ng Rain or Shine sa Game One ng Phil­ippine Cup Finals kagabi. (Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines - Hindi bumigay hanggang sa huli, inangkin ng Tropang Texters ang 1-0 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng Elasto Painters.

Tinalo ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang karibal na Rain or Shine, 87-81, sa Game One ng 2012-2013 PBA Philippine Cup Finals sa harap ng 14,065 manonood kagabi sa Smart Araneta Coli­se­um.

Hindi naging ma­dali pa­ra sa Tropang Tex­ters ang pagsikwat sa panalo.

Mula sa isang 18-point deficit sa second period ay hindi kaagad sumuko ang Elasto Painters nang ma­kalapit sa 73-79 sa 4:28 ng final canto.

Huling nakadikit ang Rain or Shine sa 79-84 sa 1:05 ng labanan kasunod ang dalawang freethrows ni Jimmy Alapag at split ni Jay­son Castro para sa 87-81 bentahe ng Talk ‘N Text sa huling 16.5 segundo.

Nauna dito, itinayo ng Tro­pang Texters ang 15-5 abante sa bago tabunan ang Elasto Painters mula sa isang 33-15 abante.

Talk ‘N Text 87 – Castro 16, R. de Ocampo 16, Dillin­ger 13, Fonacier 9, Alapag 9, Peek 8, Williams 6, Raymundo 3, Reyes 3, Alvarez 2, Carey 2, Gamalinda 0, Aban 0, Ferriols 0.

 Rain or Shine 81 – Cruz 13, Lee 11, Chan 10, Norwood 8, Rodriguez 8, Quiñahan 8, Tiu 5, Belga 5, Ibanes 4, Matias 3, Araña 3, Tang 3.

 Quarterscores: 24-15; 51-39; 71-58; 87-81.

 

Show comments