PBA D-League Aspirant’s Cup Fruitas, Jose Rizal nagpatatag ng posisyon

MANILA, Philippines - Lumawig sa tatlong su­nod na panalo ang Frui­tas Shakers nang talunin ang In­­formatics, 85-74, para tumibay ang paghahabol sa No. 2 spot sa  PBA D-League Aspirant’s Cup ka­hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May siyam na puntos sa huling yugto si Carlo Lastimosa, habang si Olaide Adeogun ay naghatid ng anim sa pinakawalang 15-6 palitan para sa Shakers (4-3) tuluyang iwanan ang Icons (0-8).

Si Lastimosa ay may 23 puntos at si Odeogun ay nagtala ng 11 puntos at 21 rebounds.

May 19 puntos at 14 rebounds si Mark Benitez pa­­ra sa Icons na hindi na­pa­natili ang pagdikit sa 63-62 agwat.

Naipagpatuloy naman ng Jose Rizal University ang momentum nang sorpresahin ang Café France, 66-62, sa ikalawang laro.

Inangkin ni Dexter Maiquez ang huling apat na puntos ng Heavy Bom­bers (3-4) matapos ang 62-62 pag­tatabla para manati­ling palaban ang tropa ni coach Vergel Meneses sa puwesto sa quarterfinals sa ikalawang sunod na pa­nalo.

Umiskor si Maiquez ng 15 puntos.

Ikaapat na pagkatalo sa walong laro ang dinanas ng Erasers (4-4).

Fruitas 85 – Lastimosa 23, Escobal 11, Adeogun 11, Caram 11, Dela Rosa 9, Co­lina 6, Mendoza 5, Terso 4, Koga 2, Belleza 2, Antonio 1.

Informatics 74 – Benitez 19, Rogado 16, Bautista 11, Rublico 9, Hayes 6, Del Rosario 6, Melegrito 4, Ablaza 2, Cabonce 1, Sanghera 0, Cruz 0.

Quarterscores: 16-20; 40-35; 63-60; 85-74.

Show comments