San Miguel Beermen nagpalakas para sa hangad na korona ng 2013 ABL season

MANILA, Philippines - Bagong head coach, masisipag na imports at de­terminadong locals ang maaaring magresulta sa kam­peonato ng San Miguel Beermen sa 4th season ng ASEAN Basketball League.

Pinangunahan ng bagong talagang head coach Leo Austria at mga imports Gabe Freeman at Brian Williams ang pagpapakilala sa bagong bihis na Beermen sa kau­na-unahang PSA Forum sa 2013 na idinaos kahapon sa Shakey’s Malate.

“Ibang team ito ngayon dahil legitimate ang mga pla­yers namin sa bawat puwesto. We also have good im­ports at di tulad last year na parehong malalaki, may fle­xibility kami dahil si Gabe ay puwedeng maglaro sa 3, 4 o 5, habang si Brian ay malakas sa ilalim,” wika ni Austria, ang dating assistant coach na pinalitan ang dating mentor Bobby Parks, Sr. na may dinaramdam sa katawan.

Nasa koponan pa rin ang ABL Regular Season  MVP Leo Avenido bukod pa kay Fil-Am guard Chris Ban­chero at Chris Luanzon. Pero pinalakas ang locals sa pagpasok nina Asi Taulava, Eric Menk, RJ Rizada, Val Acuña, JR Cawaling, Paolo  Hubalde, Axel Doruelo at Michael Burtscher.

“We have a great team and all of us have only one thing in mind and that is to win this title,”  wika ni Freeman, dating tinulungan ang San Miguel na manalo sa PBA noong 2009 at gustong ibigay sa Beermen ang ABL title para makuha ang kanyang ikalawang titulo sa liga ma­tapos igiya ang Philippine Patriots sa unang taon ng ABL noong 2009.

Ang Indonesia Warriors na siyang kampeon sa  ikat­long season at tinalo ang Beermen sa deciding Game Three ang siyang inginuso ni Austria na “team to beat”.

Pero kumbinsido siya sa tsansa ng koponan lalo na kung mawawala ang labis na pagkukum­piyansa.

“Walang kuwenta ang talent ng isang team kung wa­lang disiplina. Sa sobrang lakas ng team last year ay sa­kit nila ang mag-complacent. Ito ang hindi dapat na mangyari this year at dapat ay hard work sila sa bawat la­ro,” dagdag pa ni Austria sa Beermen.

 

Show comments