Soltones nagbida sa panalo ng San Sebastian sa Lyceum

MANILA, Philippines - Hindi napigil si Gretchel Sol­tones upang angkinin ng San Sebastian Lady Stags ang 25-10, 25-19, 25-20 panalo kontra sa Ly­ceum sa pagbabalik kaha­pon ng NCAA women’s vol­ley­ball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

May 18 kills patungo sa kanyang 22 hits si Sol­tones, habang si Maria Ara Mal­lare ay naghatid ng pi­tong service aces tungo sa siyam na puntos at ang La­dy Stags ay nakasalo sa San Beda sa ikalawang pu­westo sa 4-1 karta.

Walang manlalaro ng La­dy  Pirates ang nakapa­sok sa double-digits at sila ay dinurog ng San Sebastian sa spike, 39-15, at serve, 14-2, upang lasapin ang ika-limang sunod na pag­katalo.

Nauna rito ay buma­ngon ang Arellano mula sa 0-2 agwat para sa 12-25, 23-25, 25-18, 25-19, 15-13 panalo laban sa College of St. Benilde.

Nagtuwang sina Rossan Fajardo at Maureen Ve­ronas na tumapos taglay ang tig-22 hits at nagtambal sa 40 kills para magtabla ang dalawang koponan sa 3-1 baraha.

Doble selebrasyon ang na­­itala ng Arellano dahil ang Chiefs ay bumangon din  mula sa 0-2 iskor patu­ngo sa 20-25, 20-25l, 25-16, 27-25, 15-12 pananaig kontra sa Blazers.

Mga atake nina Jare Se­batian at Darwin  Morillo ang kumumpleto sa  pana­lo ng Arellano na mayroong 3-1 karta, habang ang St. Be­nilde ay bumaba sa ikat­­long pagkatalo laban sa isang panalo.

Show comments