Soltones nagbida sa panalo ng San Sebastian sa Lyceum
MANILA, Philippines - Hindi napigil si Gretchel SolÂtones upang angkinin ng San Sebastian Lady Stags ang 25-10, 25-19, 25-20 panalo kontra sa LyÂceum sa pagbabalik kahaÂpon ng NCAA women’s volÂleyÂball tournament sa The AreÂna sa San Juan City.
May 18 kills patungo sa kanyang 22 hits si SolÂtones, habang si Maria Ara MalÂlare ay naghatid ng piÂtong service aces tungo sa siyam na puntos at ang LaÂdy Stags ay nakasalo sa San Beda sa ikalawang puÂwesto sa 4-1 karta.
Walang manlalaro ng LaÂdy Pirates ang nakapaÂsok sa double-digits at sila ay dinurog ng San Sebastian sa spike, 39-15, at serve, 14-2, upang lasapin ang ika-limang sunod na pagÂkatalo.
Nauna rito ay bumaÂngon ang Arellano mula sa 0-2 agwat para sa 12-25, 23-25, 25-18, 25-19, 15-13 panalo laban sa College of St. Benilde.
Nagtuwang sina Rossan Fajardo at Maureen VeÂronas na tumapos taglay ang tig-22 hits at nagtambal sa 40 kills para magtabla ang dalawang koponan sa 3-1 baraha.
Doble selebrasyon ang naÂÂitala ng Arellano dahil ang Chiefs ay bumangon din mula sa 0-2 iskor patuÂngo sa 20-25, 20-25l, 25-16, 27-25, 15-12 pananaig kontra sa Blazers.
Mga atake nina Jare SeÂbatian at Darwin Morillo ang kumumpleto sa panaÂlo ng Arellano na mayroong 3-1 karta, habang ang St. BeÂnilde ay bumaba sa ikatÂÂlong pagkatalo laban sa isang panalo.
- Latest