BSCP magmamatigas sa pagiging NSA
MANILA, Philippines - Igigiit ng Billliards SnooÂker Congress of the Philippines ang pagiging NSA sa bilyar.
Ito ang sinabi ni BSCP president Arturo Ilagan na naunang nagpasabi sa PSC na idi-disband ang kasalukuyang national pool at papalitan ng mga bagong mukha.
Ayon kay Ilagan, hindi na nila pahihintulutan ang pakikialam ng ibang kampo lalo na sa usapin sa pagbuo ng Pambansang koponan sa bilyar.
“Kami lamang ang NSA sa billiards at kailangan na ang lahat ay tumalima sa aming ilalatag na prograÂma. Hindi na namin hahayaan na may ibang grupo na manghihimasok sa pagpapatakbo ng bilyar at iba pang events sa pool,†wika ni Ilagan.
Inamin ni Ilagan na dati ay hindi sila umalma nang si billiards godfather Aristeo Puyat ang siyang kinokonÂsulta kung pagbuo ng billiards team ng PSC.
Si Ilagan ang siyang kinikilalang NSA ng POC pero si Puyat ay binigyan ng papel noong nakaraang taon dahil nasa kanya ang mga mahuhusay na manlalaro.
Pero nagkaroon ng ngipin ang BSCP matapos magpalabas ang PSC ng programa sa priority athletes na kung saan ang NSA ang siyang makakatuwang ng komisyon sa pagmo-moÂnitor ng national at athletes.
Sina Dennis Orcollo at Iris Ranola na nanalo ng pinagsamang tatlong ginto noong Indonesia SEA Games ay lumagda sa priority athletes pero hindi naaaksiyunan dahil hindi ito iniendorso ng BSCP.
Hindi ipagkakait ni Ilagan kina Orcollo at Ranola ang estado na magiging kasapi sa priority list pero gagawin lamang nila ito kung titiyakin ng mga manlalarong ito na susunod sila sa prograÂmang ilalatag ng BSCP.
- Latest