MANILA, Philippines - Kung hindi magreretiro si Manny Pacquiao ay maÂaaring magkaroon din ito ng Parkinson’s disease na kasalukuyang nararanasan nina world boxing great Muhammad Ali at chief trainer Freddie Roach.
Ito ang sinabi ni Dr. Rustico Jimenez, ang president ng Private Hospitals Association of the Philippines, sa paÂnayam ng dzMM kamakalawa kaugnay sa obserbasyon niya sa ikinikilos ni Pacquiao.
“Kung ako naman ang tatanungin, siguro dapat mag-retiro ang ating Pambansang hero na si Manny,†wika ni Jimenez sa Filipino world eight-division champion.
“Lalo pong nadadagdagan ang trauma, lalo pong magkakaroon siya ng problema. Pwedeng later on Alzheimer’s disease naman,†dagdag pa nito kay Pacquiao, natalo kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.
Ang pagkautal at paggalaw ng mga daliri ng Sarangani Congressman, ayon kay Jimenez, ay sintomas na ng Parkinson’s disease.
“Iyong movement, although mabilis ang reflexes, napapansin ko lang - another view or personal view lang naman ang sa akin - parang may early signs,†wika ni Jimenez.
“May mga movements napapansin mo sa kamay. Sa kamay usually, sa ulo hindi natin makikita agad, nagtu-twitch ng konti. Although I haven’t seen very close, parang nakikita ko lang mayroong ganoon,†dagdag pa ni Jimenez.
Natalo si Pacquiao kay Bradley sa pamamagitan ng isang split decision loss noong Hunyo, samantalang pinatulog naman siya ni Marquez sa huling segundo sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre.
Kasalukuyang tangan ng 34-anyos na si Pacquiao ang kanyang 54-4-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts.