Para sa ika-5 paghaharap nila ni Pacquiao: Wala pang negosasyon--Marquez
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Juan Manuel Marquez na may nangyayari nang negosasyon para sa kanilang pang limang paghaharap ni Manny Pacquiao sa 2013.
Sinabi ng 39-anyos na si Marquez sa panayam ng BoxingScene.com na gusto muna niyang magpahinga matapos pabagsakin ang 34-anyos na si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Bago ang laban kay Pacquiao ay ipinangako na ni Marquez sa kanyang asawang si Erika na tuluyan nang magreretiro anuman ang maging resuta ng nasabing laban.
“I couldn’t even tell if I’m going to continue my career for one more fight because I don’t know yet,” sabi ni Marquez. “I told my wife that regardless of the result against Pacquiao, it would be the last fight for me.”
“And when I got back to Mexico, I mentioned to her (Erika) that I wanted one more fight and she said no. But I’m still asking her to give me permission,” dagdag pa ng Mexican fighter.
Kamakalawa ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng TMZ na kasalukuyan nang may nangyayaring pag-uusap para sa Pacquiao-Marquez V sa 2013.
Hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon si Pacquiao kung sino ang kanyang gustong labanan sa 2013 matapos ang kabiguan kina Marquez at Timothy Bradley, Jr. sa 2012.
Natalo si Pacquiao kay Bradley mula sa isang kontrobersyal na split decision loss kung saan inagaw ng American boxer ang suot ng Sarangani Congressman na World Boxing Organization welterweight title.
- Latest