Nadale rin ng Pakitang Gilas

MANILA, Philippines - Inangkin ng Pakitang Gilas ang NPC basketball tournament matapos ta­lu­nin ang Customs squad, 70-54, sa kanilang winner-take-all finals sa Congress gym.

 Umiskor si Cedelf Tupas ng Philippine Daily Inquirer ng 15 sa kabuuang 25 points ng Pakitang Gilas sa second  quarter para tu­mapos na may 23 points katulad ni Eric Uy.

Ginamit ng Sports Scri­bes ang kanilang man-to-man defense laban sa Customs patungo sa tagumpay.

Nagdagdag si Chiqui Re­yes ng AKTV ng 11 points at nakahugot ng kon­tribusyon mula kina Aldo Avinante at Christian Jacinto ng philstar.com, AJ Bolando ng Abante, Diego dela Paz ng AKTV, Josef Ramos ng Manila Times, Jeric Lopez ng Ma­nila Standard at Karlo Sacamos ng spin.ph.

 

Show comments