UAAP-Philippines kumuha ng 3 silver at 1 bronze sa ASEAN

MANILA, Philippines - Tatlong silver at isang bronze medal pa ang na­panalunan ng Team UAAP-Philippines sa 16th ASEAN University Games sa Vientiane,  Laos.

Sina javelin thrower Eva­lyn Palabrica at mga taek­wondo jins Paul Romero at Gio de Dios ang mga naghatid ng pilak, habang si national trackster at kasapi ng FEU champion team na si Josie Malacad ang na­nalo ng bronze medal sa wo­men’s 400-meter run.

Si Romero ay natalo kay Soneay Mangkueue ng Laos, 4-8, sa men’s ban­tam­weight, habang si De Dios ay dinurog ni Chodsuthan Chanteerawong ng Thailand, 1-9.

Naorasan si Malacad ng 56.92 segundo sa wo­men’s 400m run sa ilalim nina Vietnamese runners Ngu­yen Thi  Thuy (55.18) at Ngu­yen Thi Huyen (56.34).

Naunang kumubra ng ginto ang Pilipinas sa pa­mamagitan nina Christian Al dela Cruz at Ernest John Mendoza sa men’s taek­wondo para malagay ang pam­bansang delegasyon sa ikaanim na puwesto.

 

Show comments