Donaire gigil na: Arce gusto nang upakan

MANILA, Philippines - Sa kanilang pinakahu­ling press conference kaha­pon sa Toyota Center sa Houston, Texas, tinawag ni world unified super ban­tamweight champion No­ni­to ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. ang kanyang kaibigang si Mexican world four-division titlist at challenger Jorge Arce bilang isang ‘legend’.

Kaya naman hindi na niya mahintay makalaban ang 33-anyos na si Arce sa Linggo (Manila time) sa Toyota Center.

“And when I respect somebody, I want to fight him,” wika ng 29-anyos na si Donaire kay Arce na gusto niyang ibilang sa kanyang mga tinalo ngayong taon kasama sina Wilfredo Vazquez, Jr., Jeffrey Mathebula at Toshiaki Nishioka.

Tiniyak ni Donaire na pa­iinitin nila ni Arce ang bu­ong Toyota Center sa ka­nilang walang humpay na palitan ng suntok.

“I didn’t realized it could get so cold here in Houston,” sabi ng tubong Talibon, Bohol at ngayon ay na­kabase sa San Leandro, Ca­lifornia na si Donaire. “But one thing I can guarantee you is that on December 15, this Saturday (US time) it will be hot in here at the Toyota Center.”

Ang pagsagupa naman kay Donaire ang ikinukunsidera ni Arce bilang ‘best fight’ sa kanyang makulay na professional boxing career.

“I’m excited because it will be the best fight of my life. I don’t want to say any­thing about who will win. I’m not going to make any pre­dictions for this fight, just a promise that it will be a great fight.”

Itataya ni Donaire (30-1-0, 19 KOs) ang kanyang WBO super bantamweight crown kontra kay Arce (60-6-2, 46 KOs).

Ang WBO super bantamweight title, binakante ni Arce, ay inangkin ni Do­naire matapos gibain si Vaz­quez via split decision no­ong Pebrero kasunod ang tagumpay niya kay Jeffrey Mathebula para sa IBF belt noong Hulyo.

Si Nishioka ay pinigil ni Donaire via ninth-round TKO noong Oktubre sa Home Depot Center sa Ca­lifornia para sa kanyang pa­ngatlong sunod na pana­lo ngayong taon.

 

 

Show comments