^

PSN Palaro

Pacman laglag sa No. 7 sa talaan ng pound-for-pound ng Ring Magazine

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng paglasap ng dalawang mapapait na pagkatalo ang pagbaba ni Manny Pacquiao mula sa tuktok sa talaan ng pound for pound ng prestihiyosong The Ring Magazine.

Sa bagong talaan na ipi­nalabas kahapon, si Pacquiao ay ibinaba na sa ikapitong puwesto dahil sa dalawang pagkatalo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez sa taong ito.

Noong nakaraang buwan, ang dating pound for pound king ay kasalo ng walang talong US boxer Floyd Mayweather Jr. sa ikalawang puwesto matapos desisyunan ng board ng The Ring na bakantehin ang unang puwesto.

Si Mayweather, na tinalo si Miguel Cotto noong Mayo 5 para agawin ang WBA World light middleweight title, ang siya nga­yong nagsosolo sa unang puwesto.

Kahit sa welterweight rankings ay bumaba na rin ang Pambansang kamao at ngayon ay nasa ikaapat na puwesto na kasunod nina Mayweather, Marquez at Robert Guerrero.

Lalabas ngayon na si Nonito Donaire ang pinakamataas na rated fighter ng bansa sa nasabing ka­te­­gorya dahil nasa ikaanim na puwesto siya sa ngayon.

Dating nasa ikalima si “Filipino Flush” ngunit bumaba rin dahil sa pag-angat mula sa ikaanim tungo sa ikatlo ni Marquez.

Puwede namang magbago ang kinalulugaran ni Donaire kung manalo kay Jorge Arce ng Mexico sa  kanilang tagisan sa Linggo.

Si Andre Ward ang pu­mapangalawa ngayon sa talaan habang sina Sergio Martinez at Adrien Broner ang nasa ikaapat at limang posisyon.

ADRIEN BRONER

FILIPINO FLUSH

FLOYD MAYWEATHER JR.

JORGE ARCE

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MIGUEL COTTO

NONITO DONAIRE

RING MAGAZINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with