Pagbabalik ni Manny sa ring ‘di pipigilan ni Roach kung...
HOUSTON--Hindi pipilitin ni Freddie Roach si Manny Pacquiao na bumalik sa ibabaw ng boxing ring matapos ang sixth-round KO loss ng Filipino boxer sa mga kamay ni Juan Manuel Marquez noong Linggo sa Las Vegas.
Sinabi ni Roach na kung muling lalaban si Pacquiao, tututukan niya nang husto ang kanyang prized fighter sa kanilang training.
Kung mararamdaman niyang hindi na maganda ang ikinikilos ni Pacquiao, sasabihan na niya itong magretiro.
“Once we start training for the next fight, that’s where we will see if there’s a decline. If camp doesn’t go well it will end right there and if it goes well we’ll fight,” wika ni Roach sa kanyang Wild Card Gym.
“But if he (Pacquiao) feels he doesn’t want to do it anymore or if he’s lost the desire to do it I will pull the plug,” dagdag pa ni Roach sa mga Pinoy scribes.
Inialay na ni Roach ang Abril sa kanyang 2013 calendar para sa iskedyul ng pagbabalik ni Pacquiao sa boxing ring.
“April or May is way too soon,” wika ni Roach matapos panoorin ang kanyang alagang si Frankie Gomez, isa sa mga bagong sparmates ni Pacquaio sa kanyang nakaraang training.
Tatlong araw matapos ang kanyang kabiguan, marami ang nagtatanong kung may lakas pa ba ang 33-anyos na si Pacquiao at kung magreretiro na nga ba ito.
Nakipagsabayan si Pacquiao sa 39-anyos na si Marquez at nangunguna sa scorecards nang makakonekta ang Mexican ng isang right straight sa huling segundo ng sixth round.
Bumagsak si Pacquiao sa canvas na una ang mukha at ilang minutong nanatiling nakahiga.
Isang beses lamang pinanood ni Roach ang replay ng naturang laban.
“I sat down and swallowed what happened the other night. Then I got to talk to Manny and we had a great conversation on what’s going to happen next and how he feels. We haven’t completely decided but we have a good idea,” ani Roach.
“You get hit with a shot like that and maybe you had a concussion. I wouldn’t be thinking of a fight until maybe September. That’s my idea of the soonest,” dagdag pa nito.
- Latest