^

PSN Palaro

Panibagong pag-asa sa Waves, Gems

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buhay pa ang laban ng Boracay Rum sa PBA D-League Aspirants’ Cup nang kunin ang 63-53 panalo laban sa Jose Rizal University kahapon sa Tri­nity University of Asia Gym.

Ibinigay ng bagong hugot na si Marcy Arellano ang lideratong hanap ng koponan habang si Toto Bandaying ay gumawa ng dalawang malaking tres sa huling yugto upang makakawala ang Waves mula sa huling tabla sa 51-all.

“Must-win na kami sa lahat ng laro namin. Ang sinabi ko lang sa kanila, sana manalo kami bago matapos ang taon para maganda ang pasko namin. Malaking panalo ito dahil nabigyan pa kami ng pag-asa,” wika ni Waves coach Lawrence Chongson na may 1-5 karta.

Si Roider Cabrera ay may 16 puntos ha­bang sina Bandaying at Jaymo Eguilos ay may 10 puntos.

Dalawang puntos lamang ang naitala ni Arellano pero humablot siya ng 7 rebounds at may 5 assists sa 22 minutong paglalaro.

Bumaba ang Heavy Bombers sa 1-4 at kinatampukan ang mahinang laro ng koponan ng kawalan ng player na nagtala ng doble-pigura.

Itinabla naman ng Cebuana Lhuillier ang kanilang karta sa 3-3 nang padapain ang Erase Xfoliant, 92-74, sa ikalawang laro.

 

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

HEAVY BOMBERS

JAYMO EGUILOS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LAWRENCE CHONGSON

MARCY ARELLANO

SI ROIDER CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with