3 Azkals posibleng ‘di makalaro kontra Singapore

MANILA, Philippines - Kukumbinsihin ng Phl XI management ang mga football clubs nina Jerry Lucena, Dennis Cagara at Angel Guirado para payagan silang maglaro sa laban ng Azkals kontra sa Singapore sa semifinal round ng 2012 AFF Suzuki Cup.

Ang midfielder na si Lucena ay kumakampanya para sa Esbjerg FB sa Danish Superliga, habang ang defender na si Cagara ay nasa Karlsruher SC at ang midfielder na si Guirado ay nasa Salgaocar FC sa I-League.

Nagbalik sila sa kani-kanilang mga football clubs matapos ang tagumpay ng Azkals sa Suzuki Cup group stages sa Bangkok.

May laro ang Esbjerg team ni Lucena sa Sabado kasabay ng pagharap ng Azkals sa Singapore sa first leg ng semis sa Rizal Memorial Football Stadium.

Pero puwede pa rin ni­lang mahiram si Lucena para sa second leg sa Dis­yembre 12 sa Singapore.

Show comments