Bumaril kay Peek noong 2011 naaresto

MANILA, Philippines - Nahuli na ang dalawang miyembro ng notoryus na gun-for-hire gang na siyang suspek sa pamamaril kay Ali Peek ng Talk ‘N Text noong Nobyembre 7, 2011.

Sina Carlos Pangilinan, 60-anyos, ng Barangay San Miguel Na Munti at Orlando Hernandez, 35-an­yos, ng Barangay Bantug, sa Talavera, Nueva Ecija ay nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police sa Nueva Ecija at Bulacan.

Nabaril ang 6-foot-4 na si Peek sa leeg sa par­king lot ng Reyes Gym sa Man­dalu­yong City.

Sa kabila ng pagkaka­ba­on ng bala sa kanyang ulo, naglalaro si Peek para sa Tropang Tex­ters.

 

Show comments