Fil-Foreign players ‘di makakalaro sa semis tie

MANILA, Philippines - Posibleng labanan ng Philippine Az­kals ang Singapore sa kanilang home-and-away semifinal tie na wala sina Fiil-Fo­reign players Angel Guirado, midfielder Paul Mulders at defender Dennis Cagara sa 2012 AFF Suzuki Cup.

Sinabi ni Azkals team manager Dan Pa­lami na magbabalik ang mga kagaya ni­na Guirado, Mulders at Cagara sa kani-ka­nilang mga football clubs.

At kailangan niya muling makipag-usap sa bawat koponan. 

Lalabanan ng Azkals ang Singapore Lions semifinal tie sa Disyembre 8 sa Rizal Memorial Football Stadium.

Tinalo ng Singapore ang Laos, 4-3, para maging topnotcher sa Group B.

Dalawang beses tinalo ng Azkals ang Singapore sa kanilang mga friendly mat­ches bago ang 2012 AFF Suzuki Cup.

Sasagupain naman ng Malaysia ang Group A topnotcher na Thailand.

 

Show comments