Matapos pabagsakin ni Senchenko sa 9th round: Hatton muling nagretiro

MANCHESTER, En­gland --- Muling nag­retiro si dating world light welter­weight titlist Ricky Hatton matapos matalo kay Uk­rainian welterweight Vyacheslav Senchenko via ninth-round knockout sa harap ng 20,000 fans sa MEN Arena.

Nauna nang isinabit ng 34-anyos na si Hatton ang kanyang mga bo­xing gloves makaraang pa­tulugin ni Manny Pacquiao sa second round noong Ma­yo ng 2009.

Nakipagsabayan ang two-time world champion sa 35-anyos na si Sen­chenko bago napagod sa dulo ng laban.

Bumagsak si Hatton at hindi na nakatayo pa kon­tra kay Senchenko, inagawan ng kanyang world title ni American Paulie Malignaggi noong Abril.

“I needed one more fight to see if I had still got it - and I haven’t,” sabi ni Hatton sa isang post-fight news conference.

Si Hatton ay may 43-2-0 win-loss-draw ring record, habang dala ngayon ni Senchenko ang 34-1-0 (22 KOs) slate.

Samantala, pumanaw na si three-time world bo­xing champion Hector ‘Ma­cho’ Camacho apat na araw matapos siyang ma­baril sa mukha sa isang drive-by shooting.

Show comments