400 swimmers puntirya ang slot sa 2013 University Games

MANILA, Philippines - Huling 24 manlalangoy na sasanayin nang husto para sa 2013 University Games ang hahanapin ngayon sa paglarga ng 3rd Nikki Coseteng Swimming Cham­pionship sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Tinatayang nasa 400 swimmers mula sa 45 clubs ang magpapasikatan sa iba’t-ibang events sa isang araw na kompetisyon na inorganisa ng Philippine Swimming League (PSL).

Bagamat ang Philippine Aquatics Sports Association (PASA) ang siyang may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang National Sports Association (NSA) sa swimming, ang PSL ang may basbas sa pagpapadala ng Pambansang koponan sa Universiade dahil sila ang kinikilalang miyembro ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP).

Ang FESSAP ang siyang kinikilala ng International Federation of School Sports (FISU) na siyang nagpapa­takbo ng Universiade na Olympics ng mga atletang mag-aaral sa mundo.

Sinabi naman ni Coseteng sa pagdalo sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura kahapon na bukas sa lahat ng swimmers, kahit PASA members, ang palaro upang makatiyak na makakabuo ang bansa ng malakas na panlaban sa University Games na Kazan, Russia mula Hulyo 6 hanggang 17.

 

 

 

Show comments