^

PSN Palaro

Aguilar laglag sa Santa Cruz Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalagay sa alanganin ang pangarap ni Japeth Aguilar na maging kauna-unahang Filipino player na makalaro sa NBA D-League nang hindi siya isama sa opisyal na talaan ng manlalaro ng Santa Cruz Warriors.

Kahapon ang huling araw na ibinigay ng pamu­nuan ng liga sa mga kopo­nang kasali na gawing opisyal ang kanilang line-up at minalas ang 6’9 na si Aguilar na siyang inalis sa koponan.

Bagamat wala sa official roster, si Aguilar ay inimbitahan pa rin ng pamunuan ng Warriors na manatili sa koponan bilang practice player.

Mataas ang ekspektas­yon ng mga nananalig sa husay ni Aguilar na masa­sama siya sa Warriors matapos malagpasan ang naunang dalawang cut na ginawa ng koponan.

Ang 2009 number one pick sa PBA na nakapag-laro rin sa Talk N’Text at naging kasapi ng Gilas I, ay sumabak din sa dalawang tune-up games na hinarap ng Warriors bago nagdesis­yon ang opisyales ng Santa Cruz na pakawalan na ito.

Sa pangyayari, si Aguilar ay naging free agent at puwedeng kunin ng ibang koponan upang magka-roon pa ng kaunting liwanag ang hangaring kasaysayan.

Kung sakaling walang kumuha, puwede namang umuwi ng Pilipinas si Aguilar na naglaro sa Western Kentucky na isang NCAA Division 1 team.

May standing offer  ang Talk N’ Text  para sa kanyang serbisyo habang binuksan din ni national coach Chot Reyes ang pintuan para kay Aguilar na masama sa pagpipiliang players para sa malalaking torneo na haharapin ng bansa sa pangunguna ng FIBA Asia Men’s Championship sa susunod na taon.

AGUILAR

ASIA MEN

BAGAMAT

CHOT REYES

GILAS I

JAPETH AGUILAR

SANTA CRUZ

SANTA CRUZ WARRIORS

TALK N

WESTERN KENTUCKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with