MANILA, Philippines - Walang halaga ang pagkakaroon ng malaking pangangatawan kung mahina naman ang panga ng isang boksingero.
Ito ang tinuran ni trainer Freddie Roach sa isang conference call patungkol sa katanungan kung nababahala ba siya sa inilaki ng katawan ni Juan Manuel Marquez na makakalaban sa ikaapat na pagkakataon ni Manny Pacquiao sa Disyembre 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
“I don’t think it is a factor,” wika ni Roach. “I don’t think muscle-men have better chin.”
Naipakita na ni Pacquiao na kaya niyang patumbahin si Marquez nang tatlong beses na pinahalik ng Pambansang kamao ang Mexicano sa unang pagtutuos noong 2004.
“If anything, I think if you put a lot of muscle he will be a little slower than he used to be and we’re going to take advantage of that,” dagdag ni Roach.
Kahit si Pacquiao ay handang patunayan na kaya niya si Marquez gamit ang angking bilis at lakas ng magkabilang kamao.
“Our strategy for this fight is to be more aggressive. Develop strength more and focus on speed. I am not worried about his strength,” banat ni Pacquiao.
Sa hiwalay na conference call kay Marquez, kanyang ipinabatid na bukod sa pagpapalaki ng katawan ay pinag-aralan din niya ang lahat ng ikikilos sa laban ni Pacman.
“We have prepared a lot. We know Pacman and know how to fight him and how to beat him. I’m convinced that we have done much better in other occasions even though the judge have said otherwise,” wika ni Marquez sa email na na-qoute ni Rich Mazon ng Philboxing.
“Now we are going for the victory, for the knockout and finally show who is the best,” dagdag pa ni Marquez.
Papatapos na ang pagsasanay nina Pacquiao at Marquez at sa darating na linggo ay tutungo na sa Las Vegas upang maipakita sa lahat kung sino ang tunay na mas mahusay sa kanilang dalawa.