JRU, Informatics mag-uunahan sa unang panalo

MANILA, Philippines - Mag-uunahan  ang Jo­se Ri­zal University at In­forma­tics na makatikim ng unang pa­nalo sa PBA D-League As­pirants’ Cup nga­yong ha­pon sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Magkukrus ang landas ng Heavy Bombers at Icons sa alas-2 ng hapon.

Mahalaga ang bawat la­ro dahil single-round robin la­mang ang eliminasyon at ang mangungunang dalawang koponan ang aakyat sa semifinals, habang ang su­nod na apat na koponan ang maglalaban sa quarter­finals.

Ang NLEX (4-0) ang tu­malo sa JRU (0-2), 91-87, at In­fomatics (0-3), 88-81.

Sa ikalawang laro, ta­tangkain ng Cebuana Lhui­llier (1-2) na wakasan ang da­lawang dikit na pagka­ta­lo sa pagharap sa Café France (2-1) sa alas-4.

Yumukod ang Gems sa Frui­tas ((1-2), 90-91, at sa Big Chill (3-0), 61-81.

Hindi nakakasiguro ang tro­pa ni coach Beaujing  Acot dahil ang Bakers ay ga­ling sa 73-58 sa kontra sa Erase Xfoliant (2-2).

Show comments