Sacapaño nagbida sa panalo ng Azkals

MANILA, Philippines - Tinam­pu­kan ni backup goalkee­per Eduard Sacapaño ang 1-0 panalo ng Philippine Az­kals laban sa bisitang Singapore Lions sa ka­ni­­lang friendly match sa Ce­bu City Sports Complex noong Hu­webes ng gabi.

Si Sacapaño, sumalo sa naiwang trabaho nina goal­keepers Neil Etheridge at Roland Muller, ang du­me­pensa sa atake ng mga Lions para sa tagumpay ng Azkals na naghahanda sa darating na 2012 AFF Suzuki Cup.

Ang game-winner naman ng Azkals ay mula sa goal ni Marwin Angeles sa 54th minute.

Nakatuwang ni Sacapaño sina Rob Gier at Juani Guirado para sa Azkals na hindi pinaiskor ang Lions mula sa kanilang 19 goal attempts.

Nauna nang tinalo ng Az­kals ang Lions, 2-0, no­ong Setyembre.

Sina Etheridge at Muller ay hindi makakalaro sa group stages ng 2012 AFF Su­zuki Cup na nakatakda sa Nobyembre 24-30 sa Bangkok, Thailand dahil sa kanilang pagkampanya pa­ra sa kani-kanilang European football teams.

Anim na goals ng Lions ang naharang ni Sa­ca­paño para iligtas ang Azkals.

Show comments