PNSA at AFP magtutuwang

MANILA, Philippines - Magtutulungan ang Philippine National Shooting Asso­ciation (PNSA) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghahanap at pagsasanay sa panlaban ng ban­sa sa pistol events.

Ipinaalam ni national shooter at chairman ng PNSA National Youth Development Program Nathaniel ‘Tac’ Padilla ang pakikipag-isa niya sa AFP para pumili ng 20-anyos na ba­gong pasok sa pagsusundalo na kanyang tatapikin at sa­sanayin sa susunod na apat na taon.

“Nakausap ko na si Defense Secreraty Voltaire Gazmin at pumayag siya na tumulong sa programa. Apat ang ku­kunin namin sa AFP na magsisimula nang mag-training sa pistol sa January 1 hanggang 2016 Olympics. Hopefully, mag-qualify sila at mag-medal sa 2016 Rio de Janiero Olympics,” wika ni Padilla sa SCOOP sa Kamayan.

Ang PAGCOR ay nangakong tutulong sa nasabing prog­rama, habang ang Philippine Sports Commission (PSC) ay sasandalan sa exposures.

“Walang gastos ang PSC except ‘yung ibinibigay nilang regular exposures sa NSA na isa sa isang taon. Kulang ito kaya’t maghahanap din ako ng iba pang tutulong para sa additonal trips. Ang mga baril at bala ay ako na ang magbibigay habang ang mga allowances ay magmumula sa AFP na kung saan sila kasapi,” ani Padilla.

Show comments