Rematch kay Buthelezi itinakda sa Pebrero 16, Dapudong nabigyan ng tsansa

MANILA, Philippines - Itinakda na ang rematch nina Filipino boxer Edrin Da­pudong at South African figh­ter Gideon Buthelezi sa Peb­rero 16 kahit hindi pa na­isasagawa ang video tape review ng International Bo­xing Organization (IBO).

Naselyuhan ito matapos pumayag ang Golden Gloves Promotions ng South Africa na gawin ang re­match.

Pinaglabanan ng dala­wa ang bakanteng IBO super flyweight division at na­nalo si Buthelezi via split de­sisyon kahit putok ang kan­yang mukha at bumagsak pa sa ninth round.

Inireklamo ni dating North Cotabato Governor Man­­ny Piñol ang pangya­ya­ri at tinukoy si US judge Mi­chael Pernick na siyang may sala sa pagkatalo ni Da­­pudong.

Si Shona Mac Taggart, ang events organizer ng Gol­den Gloves Promotions, ang lumiham kay Pi­ñol, ang manager ni Dapu­dong, para sabihing payag si­­la sa rematch.

“I am in receipt of your letter to IBO and we have no objection whatsoever to a rematch with Edrin and Gideon. It was a very good bout and could have gone either way,” wika ni Shona sa kan­yang liham.

Show comments