Nationals wagi sa Thailand sa Baseball Classic

MANILA, Philippines - Nakauna ang National baseball team sa World Baseball Classic qualifier 4 nang kunin ang 8-2 panalo la­ban sa Thailand kahapon sa Xinzhuang Stadium sa New Taipei City, Taiwan.

Mahusay na pitching at hitting bukod sa matibay na de­pensa ang nasilayan sa pinalakas na Nationals para ma­palakas ang tsansang makapasok sa finals sa apat na araw na torneo.

Ang panalo ay nagbigay sa Pilipinas ng dalawang pag­kakataon na makaabante sa one-game finals na magsisimula ngayon laban sa mananalo sa host Chinese-Taipei at New Zealand.

Double elimination ang format ng liga at kung matalo ang Nationals ay magkakaroon pa ng isang tsansa kung ma­papangunahan ang loser’s side.

Si Jon-Jon Robles ang pinagsimula sa mound at ang ka­liweteng pitcher na naglaro para sa Czech Republic ay nag­bigay lamang ng limang hits, isang run at may apat na strikeouts sa 4 1/3 innings.

Siya ang lumabas bilang winning pitcher.

Show comments